Mga Mata ni Angelita

Tanga. Paulit-ulit na sinasabi ng kanyang katrabaho sa kanya. Tanga. Wari’y wala na siyang ginawang tama.

Pinagtitinginan na sila ng lahat. Sabi ng ibang katrabaho niya na dapat lahat ng naririnig niya, pasok sa kabilang tainga, labas sa kabilang tainga. Sa tuwing naririnig niya ang mga salitang iyon, maaawa ka sa kanyang mukha. Ngunit kapansin-pansin na sa kabila ng lahat ng mga naririnig niya, ni minsan ay hindi mo siya makikitang lumuha. Kaya naman lalo siyang kinaiinisan nung isa.

Tanga. Naulit na naman. Pang-ilang beses na ba ito sa isang buwan? Maaawa ka uli sa kanya. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginawang mali. Paulit-ulit lang siyang nagtatanong, naniniguro kung tama ba ang ginagawa niya. Ayaw niyang magkamali dahil ayaw niyang mapagalitan. Nakukulitan na siguro yung isa.

Ilan pang mga buwan ang nagdaan. Wala na yung katrabaho niyang sinasabihan siya ng tanga. Umalis sa trabaho, napagod, naghanap ng iba.

Ngayon, mainit naman siya sa mata ng iba. Yung supervisor niyang maarte, pinupuna siya. Kung anu-ano ang sinasabi kapag nakatalikod siya. Palibhasa, natutuwa sa kanya yung General Manager, kaya naiinggit siguro yung isa.

Sa kabila ng lahat, nananatiling blanko ang mga mata ni Angelita. Kahit minsan, hindi siya umiyak.

Minsan, isang araw, humarap si Angelita sa salamin. Paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang lahat ng masasakit na salitang sinabi ng lahat ng tao sa kanya. Habang tinitingnan niya ang kanya sarili, masisilayan ang ngiting namumutawi sa kanyang mga labi. Isa-isa nang bumabagsak ang mga taong umapi sa kanya. At lahat, siya ang may pakana.

Wag kang papakasiguro. Dahil sa likod ng maamong mukha, ay isang halimaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s